Kabayanihan
Tula ni
Lope K. Santos
Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
Natatalatas mong sa iyong pananim
iba ang aani't iba ang kakain;
datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakaw, dugo, buhay...
pinupunuhan mo at iniaalay,
kapag ka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.
Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo'y naging mulat ang mulala,
tapang mo'y sa duwag naging halimbawa't
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao'y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.
Ang aking pagmumuna sa tulang napili ko:
Ang tanging karakter sa tulan ni Lope ay ang mga Pilipino na talagang pagbibigay ng pagmamahal sa kapwa, at nagbibigay ito ng mensahe tungkol sa hirap, pagod, karanasan, at sa pagsasakripisyo ng mga mamamayang Pilipino upang makamit ang ating kalayaanh nais matikman para na rin sa kinabukasan ng ating mga lahi at pag-ibig sa kapwa at sa Diyos.
At may nabasa akong parirala na talagang napa-isip ako, " paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod" sa unang talata. Nagtrabaho ang mga Pilipino noon sa mga Espanyol ng walang buwis, hindi sila binabayaran dahil kurap ang opisyal na ipinipadala ng Spain sa Pilipinas sa panahong iyon. Nagdulot ito ng masamang epekto na natutunan nating maging kurap dahil at dito rin nag simula ang " Katamaran" na panlait sa atin.
No comments:
Post a Comment